Asian Human Rights Commission - Philippines - [Filipino Website] [ Tagalog | English ]
| Home (Tagalog) | news | AHRC Website
Search this section:
Latest Updates:


and more...

Patuloy na pagpatay sa mga aktibista kinondina ng AHRC

Patuloy na pagpatay sa mga aktibista kinondina ng AHRC

(Hong Kong, Abril 13, 2005) Kinokondina ng Asian Human Rights Commission (AHRC) ang pamahalaang Pilipinas sa kawalang aksiyon nito para pigilan ang  patuloy na pagpatay sa mga aktibista sa Pilipinas.

Kinondina rin ang mga opisyal ng gobyerno at militar sa pahayag nito na ang  mga biktima ay di umano ay taga-suporta ng kumonistang grupo at sa hindi  pag-imbistiga nito sa patuloy na pagpatay ng aktibista.

Ang gobyerno ng Pilipinas ngayon ay nasa panibago at seryosong banta may kinalaman sa pagbibigay ng proteksiyon ukol sa karapatang pantao at demokrasya sa bansa,¡¨ ayon sa pahayag ng AHRC.

Nagbabala ng AHRC sa gobyerno ukol sa delikadong laro at taktika nito kabilang ang pag-tawag sa biktima bilang taga-suporta ng komunista na siyang kahalintulad din noong panahon ng diktadorya at bigo ding umaksiyon  sa pagpatay.

Dagdag ng grupo na ang pag-pontirya sa mga kasapi ng oposisyon at mga aktibista ng karapatang pantao ay isang kawalang pagpapahalaga ng batas sa  Pilipinas at kabaliktaran sa obligasyon nito sa buong mundo.

Tinatayang labin-walong aktibista na ang napatay, nawala sa bansa simula nitong buwan ng Enero nitong taon.

Ang pinaka-huling pag-atake ay naisagawa kay Alden Ambida, isang panlalawigang lider ng partidong Bayan Muna sa Eastern Samar. Ang biktima ay nasa patuloy pang nasa kritikal na kondisyon sa ospital sa ngayon.

Tatlong iba pang lider ng Bayan Muna at taga-suporta nito ang napatay nitong buwan ng Marso.

Wala ni isang sa mga suspetsado ang naaresto o nakasuhan.

Isang pangkaraniwan sa mga biktima ay sila ang mga tao na hayagang kritikal sa gobyerno, ayon sa AHRC.

Tinawag ang mga biktima ng gobyerno at opisyal ng military bilang taga-suporta ng mga komunista, dagdag ng AHRC. Subalit  binigyan halimbawa  nito ang pagpatay kay Abelardo Ladera, lider ng Bayan Muna, na di-umano ang napatay ng komunista. Ito ay nagbigay sa kawalan ng malalimang imbistigasyon sa kaso nito.

Nitong nakaraan linggo, ipinihayag ni Heneral Jose Angel Hondrado, hepe ng  civil relations ng militar, na ilan sa mga ng organisasyon ng mga aktibista, simbahan at kabilang mamamahayag ay na impluwensiyahan kundi man  ay napasok na ng idelohiyang komunismo.

Ang epekto nito ay maaring ito gamitin ng pamahalaan para makaligtas sa responsibilidad sa pag-sawata ng patuloy na pagpatay; sa makatuwid, ang pagpatay sa mga komunista sa Pilipinas ay magiging hindi na krimen,¨ ayon sa AHRC.

Sa pamamagitan ng pagtawag sa mga orgaisasyon ito bilang taga-suporta ng  kumonista¡¦ ng military, ito ay hayagang pag-enganyo sa mga kasapi nito at  walang karampatang parusa. Ang militar ang siyang may pakinabang kahit di umano na iilan sa mga kasapi nito ay may kinalaman din sa pagpatay,¡¨
dagdag ng grupo.

Kinuwestiyon din ng grupo ang walang aksiyon ng gobyerno sa pagsawata ng patuloy na pagpatay sa mga aktibista na kabaliktaran kasong pagpatay sa mga  mamahayag, kung saan maagap ang imbistigasyon at pag-aresto sa mga suspetsado.

¡§Sa kabila ng malawakang protesta ng iba¡¦t ibang grupo sa buong bansa, bakit patuloy na tikom ang bibig ng presidente?¡¦, tanong ng AHRC.

Pinupursige ng AHRC ang madalian at malawakang imbestigasyon sa mga pagpatay para sa pagpataw ng karampatang parusa sa mga suspetsado sa pagpatay kabilang ang pagsiguro na matigil ang ganitong pangyayari.

¡§Para maisagawa ito, ang gobyerno, at pangulo, ay nararapat lamang na magbigay pahayag tungkol sa pagkabahala nito sa mga pangyayaring pagpatay at agarang pagbigay utos sa awtoriad para sa umaksiyon,¡¨ ayon sa AHRC.

Ang Department of Justice (DOJ) ay nararapat lamang na magbigay utos sa National Bureau of Investigation (NBI) na hawakan na ang imbistigasyon sa mga kaso. Ang NBI ay siyang nararapat na ahensiya na humawak sa kaso.

Hinihiling din ng AHRC na bigyan ng nararapat na proteksiyon ang mga testigo makakatulong sa kaso. Ang Commission on Human Rights (CHR) ay nararapat lamang na magsagawa din ng imbistigasyon nito at irekomenda ang agarang tulong para sa pamilya ng namatayan.

Hinihiling din ang gobyerno na ikondina at bawiin ang pahayag ng militar ukol sa mga listahan ng tao, grupo at sektor di umano¡¦t taga-suporta ng kumonista grupo.

#

Tungkol sa AHRC: Ang Asian Human Rights Commission (AHRC) ay isang organisasyon na nagsasagawa ng apila ukol sa usapin ng  karapatang pantao sa rehiyon ng Asya. Ito ay naka-base sa Hong Kong at naitatag noon taong 1984. Ang yumaong senador na si Jose 'Pepe' Diokno ng Pilipinas ay kabilang sa nagtatag nito.

Asian Human Rights Commission
For any suggestions, please email to support@ahrchk.net.

1 users online
21982 visits
35743 hits