Asian Human Rights Commission - Philippines - [Filipino Website] [ Tagalog | English ]
| Home (Tagalog) | news | AHRC Website
Search this section:
Printer Friendly Version
Suporta sa nakaligtas sa Sulu masaker ipinag-utos

Suporta sa nakaligtas sa Sulu masaker ipinag-utos

(Hong Kong, Mayo 3, 2005) Ikinatuwa ng Asian Human Rights Commission (AHRC) ang positibong hakbang ng gobyerno ng Pilipinas sa kautusan nitong bigyan ng kaukulang proteksiyon at suporta pinansiyal ang 7-taong gulang na batang lalake at ang dalawa pang kapatid nito na nakaligtas sa masaker sa Maimbong, Sulu na naganap noong Pebrero 1, 2005.

Ayon sa liham na natanggap ng AHRC nitong Martes (Mayo 3), Sinabi ni Corazon Soliman, kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbigay sa siya ng kaukulang kautosan sa isang kalihim nito sa rehiyon para gumagawa ng hakbang sa pagbibigay tulong.

"Alam namin na may paunang tulong nang naibigay sa 7-taong gulang na nakaligtas sa masaker subalit wala kaming natanggap na balita ukol sa tulong na naibigay sa dalawa pang magkapatid ng pamilyang Padiwan," sabi ni Soliman sa liham nito sa isang opisyal ng DSWD sa Cotabato City.

Ang kautosan ni Soliman ay naipalabas matapos ipinaabot ng AHRC ang apela nitong Marso 22, 2005 para sa kaukulang pagbibigay proteksiyon
at pinansiyal na suporta sa mga batang Padiwan na nakaligtas sa masaker. Hiniling din ng grupo ang gobyerno ang pagbibigay ng tulong at rehabilitasyon sa mga bakwet.

Ang mga batang sina Almujal Padiwan,7; Madzrana Padiwan,10; at isang 3-taong gulang, ay kabaling sa nakaligtas sa masaker na pinaniniwalaang isinagawa ng military sa liderato ni Kolonel Dennis Villanueva. Apat ang patay, kabilang ang magulang ng mga bata, na siyang pinaniniwalaang pinagmulan ng giyera sa Jolo, Sulu.

Ayon pa kay Soliman na pusposan ang kaukulang hakbang ng gobyerno para sa kapayapaan sa probensiya ng Sulu kabilang na ang pagbibigay proteksiyon at rehabilitasyon sa mga bakwet. Tinatayang 7.3 milyong piso halaga ng tulong na ang naipabigay ng gobyerno sa mga bakwet, dagdag ni Soliman.

Samantala ang Commission on Human Rights ng Pilipinas ay nagsagawa narin umano ng hakbang sa pagsagawa ng imbistigasyon ng paglabag ng karapatang pantao ng mga sundalo sa Sulu. Subalit hindi pa agad malaman kung tapos na ba o hindi ang isinagawang imbistigasyon nito.

Hiniling ng AHRC, isang grupo na naka-base sa Hongkong, ang gobyerno ng Pilipinas na madaliin ang pagbibigay ng proteksiyon at tulong pinansiyal nito sa tatlong bata.

# # #

Tungkol sa AHRC: Ang Asian Human Rights Commission (AHRC) ay isang organisasyon na tumitingin at siyang nagsasagawa ng apila sa usapin ng karapatang pantao sa rehiyon ng Asya. Ito ay naka-base sa Hong Kong at naitatag noon taong 1984. Ang yumaong senador na si Jose 'Pepe' Diokno ay kabilang sa nagtatag nito.

Posted on 2005-05-04



remarks:6
Asian Human Rights Commission
For any suggestions, please email to support@ahrchk.net.

2 users online
7581 visits
15340 hits