Asian Human Rights Commission - Philippines - [Filipino Website] [ Tagalog | English ]
| Home (Tagalog) | news | AHRC Website
Search this section:
Printer Friendly Version
AHRC nagpahayag ng pagkabahala sa pagkaantala ng kaso sa Pilipinas

AHRC nagpahayag ng pagkabahala sa pagkaantala ng kaso sa Pilipinas

(Hong Kong, Hulyo 8, 2005) Inihayag ng Asian Human Rights Commission (AHRC) ang pagkabahala nito ngayong araw tungkol sa patuloy na pagkaantala sa paglilitis sa kaso ng tatlo ka tao sa lungsod ng General Santos sa Pilipinas na ang dahilan ay ang posibleng kapabayaan ng korte at ng taga-usig nito.

Mahigit tatlong taon na makaraang naisampa ang kaso laban kina Jejhon Macalinsal, Aron Salah at Abubakar Amilhasan hindi pa rin nasimulan ng korte ang paglilitis, ayon sa AHRC na siyang nakabase sa Hong Kong. Ang dahilan ay ang patuloy na pagpaliban at pagkansila sa pagdinig ng kaso.

"Nararapat lamang na magkaroon ng pagsisiyasat para alamin kung sakaling nagkaroon ng kapabayaan ang hukom, taga-usig at ibang tauhan sa korte, at kung ito ba ay naging dahilan sa patuloy na pagpaliban at pagkaantala," pahayag ni Kim Soo A, tagapangasiwa ng programang Urgent Appeals ng AHRC sa salitang englis.

Ang tatlo ay nahaharap sa kasong paglabag sa ilegal na pagmamay-ari ng eksplosibo at armas sa sala ng Regional Trial Court (RTC) at ng Municipal Trial Court in Cities (MTCC). Inaresto ang tatlo noon Abril 24, 2002 may kinalaman sa pambobomba ng isang mall. Gayunpaman, walang kasong naisampa may kinalaman sa pambobomba laban sa tatlo.

Buwan ng Hunyo nitong taon, nakatakda sanang dinggin ang kaso ng tatlo sa apat na magkahiwalay na okasyon. Subalit wala ni isa sa talatakdaang ito na nagkaroon ng progriso. Nang dininig ito nitong Hunyo 16, ipinagutos bagkos ng hukom na ipagpaliban ang pagdinig hanggang sa Enero 5, 2006, sa dahilang bigo ang taga-usig na iharap sa korte ang mga testigo nito.

Sa mga nakaraang pagpapaliban at pagkansela sa pagdinig isinisi din sa iba't ibang kadahilanan; kabilang na rito ang pagliban o hindi man ay pagpapalit ng hukom, ang hukom ay nasa biyahe para sa isang pagtitipon, walang pasok dahil public holidays o dahil sa pagliban ng stenographer sa korte. Ang naturang pangyayari ang wari'y nagaganap sa tuwing nakatakdang dinggin ang kaso.

"Dapat ilipat ang kaso sa ibang sala kung hindi kayang resolbahin ng hukom ang kaso sa maagang panahon," dagdag ni Kim.

Sa kabila ng paunawa sa mga hukom upang bigyang agarang aksiyon para resolbahin ang kaso sa madaling panahon galing kay Christopher Lock, pangalawang tagapangasiwa ng korte ng Korte Suprema, sa liham nito nitong Mayo 26 na natanggap ng AHRC, wala pa ring aksiyon ang korte tungkol dito. Sa halip, ipainagpaliban nito ang pagdinig sa kaso sa susunond na taon.

Bago paman nito, hiniling na nang tatlo sa Korte Suprema na ilipat ang pagdinig sa kaso nila sa ibang korte. Subalit hindi ipinahintulot ng Korte Suprema ang naturang hiling. Ayon sa Korte Suprema na nararapat na muna itong ipaalam sa korte na siyang humahawak sa kaso.

"Dahil sa desisyon ng Korte Suprema, wala ng magawa pa ng naturang tatlo ka tao kundi sumang-ayon sa proseso ng loka na korte," dagdag ni Kim. Hiniling ni Kim na umpisahan na ng korte ang pagdinig sa kaso sa lalong madaling panahon.


# # #
Tungkol sa AHRC: Ang Asian Human Rights Commission (AHRC) ay isang organisasyon na tumitingin at siyang nagsasagawa ng apila sa usapin ng karapatang pantao sa rehiyon ng Asya. Ito ay naka-base sa Hong Kong at naitatag noong 1984. Ang yumaong senador na si Jose 'Pepe' Diokno ay kabilang sa nagtatag nito.

 

Posted on 2005-07-11



remarks:6
Asian Human Rights Commission
For any suggestions, please email to support@ahrchk.net.

6 users online
7784 visits
15546 hits