Asian Human Rights Commission - Philippines - [Filipino Website] [ Tagalog | English ]
| Home (Tagalog) | news | AHRC Website
Search this section:
Printer Friendly Version
Ibunyag ang lumalabas na ulat sa posibleng kinalaman ng mga sundalo't pulis sa pagpaslang ng aktibista

Ibunyag ang lumalabas na ulat sa posibleng kinalaman ng mga sundalo't pulis sa pagpaslang ng aktibista

Ang pag-aresto sa suspek sa pagpatay kay Fr. William Tadena ay kahit papano nakapagbigay ginhawa at kunting pag-asa sa mga kaanak ng mga aktibista na nagging biktima ng pagpatay sa Pilipinas. Kung sakali mang totoo ang napaulat na ang pumatay kay Tadena ay mga bayarang kreminal at may kaugnayan sa pulis at militar, sa makatuwid isang hamon ito sa napabalitang pahayag ni Lt. Romeo Dominguez, hepe ng Northern Luzon Command ng militar, na mga rebeldeng komunista ang siyang responsable sa pagpatayan. Marami pang dapat patunayan para madama ng mga kaanak ng biktima at publiko na makakamit nila ang hustisya.

Kamakailan lang, pinagutos ni pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kapulisan ang madaliang aksiyon na supilin sa mga bayarang kreminal, at suriin ang pagkalat ng hindi lisensiyadong armas. Ang naturang kautosan ay naipalabas matapos ang pagpatay sa dating kongresista na si Henry Lanot nitong Abril 13. Isang ahensiya na binubuo ng iba't ibang sangay ng gobyerno ang agad nabuo para tugunan ang kaso ni Lanot. Ang madaliang aksiyon sa kaso ni Lanot, ngunit kawalang aksiyon naman sa mga kasong pagpatay na mga aktibista, ay siyaang patunay sa hindi patas na batas sa Pilipinas. Ito ay ikinababahala ng Asian Human Rights Commission (AHRC). Ipinag-ibayo man ang pag-gamit sa kakayanan ng gobyerno para habulin ang pumapatay sa mga kilalang tao, subalit kaiba naman ang sitwasyon kapag ordinaryong tao na ang biktima. Karapatan nga ng gobyerno aksiyonan ang kaso ni Lanot subalit ganoon din sana dapat gawin sa 18 na aktibistang napatay simula nitong Enero, at kay Edwin Bargamento, ng National Federation of Sugar Cane Workers sa Visayas, na siyang kasabay na napaslang sa araw na napatay din si Lanot. Ang kawalan ng aksiyon ng gobyerno sa pagpatay kay Bargamento ay patunay sa hindi patas na pag hawak ng kaso sa mga biktima. Si Bargamento at ang iba pang biktima ng pagpatay na hindi nabigyan ng pansin ay kinabibilangan ng ordinaryong tao. Sila man din ay nangangailanngan din ng aksiyon mula sa gobyerno para imbestigahan ang kanilang kaso, pag-aresto at  pagpaparusa sa mga kreminal, gaya ng sa kaso ni Lanot.

Isa rin sa nakakabahalang usapin ay ang lumalakas na ulat ukol sa posibleng kaugnayan sa pagitan ng mga bayarang kreminal at ng mga pulis at militar sa Pilipinas. Subalit ang naturang ulat ay hindi kinilala ng may awtoridad ng ipinahayag nito na ang mga napatay ang mga nakikisimpatiya sa rebeldeng komunista at siya ring mga rebelde ang may kagagawan nito. Kung ang ganitong paratang ay pinapalabas upang takpan ang posibleng kinalaman ng ahente ng estado at mga bayarang kreminal, hindi ito makakatulong sa pagpapabuti ng imahe ng pulis at militar. Sa kabila ng pagbabago sa pulitika at ang hangaring kabutihan ng Pilipino sa bansa, ang naturang mantsa sa kredibilidad ng pulisya at military ay nagpapatuloy. Ang mga pangyayaring illegal na pag-aresto, tortyur, pagkawala ng iilang tao, at pagpatay sa mga aktibista at patuloy na bahid sa militar at pulis karamihan sa pangyayaring ito ay sinasabing isang operasyon laban sa mga rebeldeng komunista na nahubog noon pang dekada 70s.

Noong dekada 80s, ang gobyerno ng Pilipinas ay nangakong isakatuparan ang prinsipyo ng karapatang pantao. Kabilang dito ang alituntunin ng International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR), na siyang niratipikahan noong 1987. Tinutukan ng gobyerno ang pag-bigay pansin sa kaso ng pagpatay at paglabag sa kaparatan para mabuhay sa pamamagitan ng madaliang imbestigasyon at pagpaparusa sa may kinalaman, at ang pagbibigay ng bayad at rehabilitasyon sa mga biktima. Bilang isang bansa sa rehiyon ng Asya na nagsusulong sa karapatang pantao nararapat lamang na isaisip ng gobyerno ang pagpapatupad sa naturang alituntunin. Ang naturang alituntunin siya ring nagpapahayag ng pagbabago sa institusyon sa pulisya, tagapaglitis at ng hudikatura para masiguro ang pag respetu sa karapatan.

Ang gobyerno ng Pilipinas ay nangangailangang magsagawa ng hakbang para pigilan ang pangyayaring pagpaslang sa mga aktibista.

Una, ang mga kasong pagpatay ng aktibista ay dapat na mapabilang sa mga kaso na ipinagutos ng pangulo na bigyan ng agarang aksiyon laban sa bayarang kreminal o ang mga kasong planadong pagpatay. Ang pagpatay sa mga aktibista ay kinakailangan lamang na ipabilang sa pangkalahatang polisiya ng gobyerno laban sa mga planadong pagpatay.

Pangalawa, ang ahensiya ng Ombudsman for the Military at ng National Police Commission (Napolcom) ay nararapat lamang na magsagawa ng kanilang imbestigasyon may kinalaman sa posibleng kaugnayan ng pulis at militar. Ano mang aksiyon ay dapat naka-batay sa prinsipyo ng command responsibility at papanagutin din ang nakatataas na mga opisyal sa kabiguan nitong sugpuin ang pangyayaring pagpatay, o sa kabiguan nitong kilalanin, arestuhin at parusahan ang mga kreminal.

Pangatlo, dapat bawiin ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang naunang pahayag nito na sinasabing ang mga biktima, ang mga organisasyon na nagtataguyod ng karapatang pantao at ang iba pa bilang nakikisimpatiya o pambungad lamang ng rebelding komunista. Dapat lamang din na iwasan nito ang pagbibigay ng ganoong pahayag. Ang layunin sa mga naturang alegasyon, makatutuhanan man o hindi, ay sirain lamang ang takbo ng imbestigasyon. Sa ganung pangyayari, pinapahintulutan nito na walang kaparusahan sa pangyayaring pagpatay, at ipinagkait ang hustisya sa mga biktima at pamilya nito. Hindi ito dapat na pabayaang mangyari.

Pang apat, kinakailangang ipagutos din ng Department of Justice na hawakan na ng National Bureau of Investigation, isang sangay na ahensiya nito, ang mga kaso at bigyang proteksiyon ang mga testigo.

Pang lima, dapat lamang na kondinahin ng Komisyon ng Karapatang Pantao ang mga nangyayaring pagpatay at karahasan sa lalong madaling panahon. Makikipag-unayan dapat ang komisyon sa NBI sa isasagawang nitong imbestigsyon. Matapos ang imbestigasyon ng komisyon, nararapat lamang na i-sumite nito ang rekomendasyon sa presidente at sa may kinauukulan para mabigyan ng karampatang aksiyon may kaugnayan sa obligasyon nito sa karapatang pantao.

Kahuli-hulihan, maliban sa ipag-utos sa presidente ang agarang pag-supil sa mga bayarang kreminal, dapat lamang din na magkaroon ang isang imbestigasyon sa kinalaman ng mga bayarang kreminal sa pagpatay sa mga aktibista na siyang sinasabing may pakikipag-ugnayan sa pulis at militar.  Sa pamamagitan ng naturang hakbang, maipapahiwatig nito ang mensahe na hindi seryoso ang gobyerno na sugpuin at pigilan ang pagpatay sa mga aktibista.

# # #
Tungkol sa AHRC: Ang Asian Human Rights Commission (AHRC) ay isang organisasyon na nagsasagawa ng apila ukol sa usapin ng  karapatang pantao sa rehiyon ng Asya. Ito ay naka-base sa Hong Kong at naitatag noon taong 1984. Ang yumaong senador na si Jose 'Pepe' Diokno ng Pilipinas ay kabilang sa nagtatag nito.

 

Posted on 2005-04-18



remarks:6
Asian Human Rights Commission
For any suggestions, please email to support@ahrchk.net.

4 users online
9164 visits
17165 hits