Asian Human Rights Commission - Philippines - [Filipino Website] [ Tagalog | English ]
| Home (Tagalog) | news | AHRC Website
Search this section:
Printer Friendly Version
PILIPINAS: Kawalan ng batas laban sa tortyur at pagkaantala sa korte ipinagkaila ang pamaraan sa mga biktima ng tortyur

PARA SA KAGYAT NA PAGLABAS
AS-132-2007-TL
Hunyo 26, 2007

Pahayag ng Komisyon ng Karapatang Pantao sa Asya sa okasyon ng Pandaigdigang Araw ng Nagkakaisang Bansa sa Pagsuporta sa mga Biktima ng Tortyur

PILIPINAS: Kawalan ng batas laban sa tortyur at pagkaantala sa korte ipinagkaila ang pamaraan sa mga biktima ng tortyur

Ang mga biktima ng tortyur sa Pilipinas ay nagdurusa ng pisikal at mental dahil sa sakit ng tortyur na dinanas nila mula sa mga taong walang awa silang tinortyur. At dahil narin sa kawalan ng batas laban sa tortyur muli sila’y nagiging biktima sa ikalawang pagkakataon. Sa nagdaang taon, ang mga biktima ng tortyur sa bansa ay matagal ng naghihintay na pagkakaroon ng paraan o legal na basehan para usigin ang may kagagawan ng tortyur. Subalit kahit pagsasampa ng reklamo kahit pa ito ay suportado ng matibay na ebidensiya, maging mga ebidensiya medikal, upang patunayan ang tortyur ay siyang isang walang kabuluhang gawain para sa mga biktima at mga abugado nito. Ito’y dahil ang tortyur ay walang krimikal na kaparusahan sa ilalim ng batas ng Pilipinas. Gayunpaman ang mga biktima ay maaring magsampa ng reklamo subalit madalas hindi ito umuusad sa korte kung sakali mang ito ay maisampa sa korte. Minsan umaabot ng ilang taon sa kamay ng pampublikong tagausig—halimbawa, labing isang taon sa isang kaso—na hindi man lang na resolba ang reklamo. Madalas mga akusado ay nakakapagretiro sa serbisyo o nakakagawa ulit ng kaparehong krimen na hindi man lang naparusahan sa kanilang ginawa.

Bahagi na ng buhay ang paggamit ng tortyur ng mga pulis at militar bilang paraan ng pagsagawa ng imbestigayon at ito ay talamak sa buong bansa. Ang nakakagulat ay ang kawalan ng pagsisikap upang ito ay mapuksa o di kaya ay kawalan ng legal na pamamaraan ng mga biktima at ng kanilang mga abugado upang labanan ang ganitong ilegal na gawain ng iilang kasapi ng sandatahang lakas. Habang ikinakaila ng gobyerno ang talamak na tortyur sa bansa, ang katotohan nito ay kabaligtaran: ang tortyur ay patauloy na talamak at siya ring batid na ginagawa sa Pilipinas. Subalit madalas ang may responsibilidad upang patunayan ito ay mismong mga biktima, at hindi iyong mga responsable sa bayolenteng pang-aabuso sa kanila. Maging ibang mga kasapi ng pampublikong tagausig ay nagsasabing normal lamang sa isang suspek na magsasabing siya ay tinortyur, dahil dito, hindi hayagang sinasab na kung sinuman ang nagsasabing siya ay tinortyur ay hindi kapani-paniwala.

Isa ring nakakabahala ang kabiguan ng ilang mga pampublikong taga-usig upang intindihin ang kabuluhan ang pagkakaroon ng batas laban sa tortyur. Hindi nila nakikitang kinakailangan magkaroon ng batas dahil sa umano ang saligang batas ng 1987 na nagsasaad ng karapatang pantao ay nagbabawal na sa tortyur. Sinasabi nila ito kahit na alam nilang upang bigyan kahulugan ang probisyong ito kinakailangan magkaroon ng batas laban sa tortyur na nagsasaad ng akmang parusa. Gayunpaman, sinabsi din nila na ang pagpasa ng panibagong batas ay isa lang kalabisan sa halip na proteksiyunan ang mga karapatan ng mga biktima. Sa gayun may kahinaan sa pag-intindi sa bahagi ng mga pampublikong tagausig ukol sa karapatan laban sa kalayaan na hindi ma tortyur. Ang ganitong pagiisip ay laganap din, subalit, hindi lamang ito sa mga pampublikong taga-usig, maging sa karaniwang publiko din. May kahinaan silang intindihin ang tortyur na siyang naman naging katanggap tanggap na sa kanila bilang isang normal na bahagi ng imbestigasyong sa kremin. May pagiisip na ang pagiging brutal at malupit ng pulisya at militar laban ay nararapat lamang ma tortyur kung sila ay pinagsususpetsahang nakagawa ng krimen. Dahil sa ganitong pag-iisip, ang batayan ng hustisya—ang ituring na inosente—na nawalan ng saysay at kabuluhan.

Kamailan lang, iilang alegasyon laban sa pulisya ang lumabas. Halimbawa, nitong Enero, isang lalaki ang nagsasabing brutal siyang tinortyur ng mga pulis habang siya ay nasa kustodiya nito sa loob ng pambansang himpilan ng pulisya sa bayan ng Quezon. Ayon sa biktima, kinuryente siya at hindi pinatulog. Kahit na ang kanyang paglaya ay iniutos ng korte, sa kabila ng mabigat na alegasyon laban sa pulisya, walang imbestigasyon na nangyari o parusa sa mga naging sangkot nito. Ang Internal Affairs Services (IAS), isang kinatawan ng pulisya, ay may obligasyon na magsagawa ng agarang imbestgasyon sa bawat paglabag ng karapatang pantao ng mga kawani ng pulisya, subalit walang ginawang aksiyon ang naturang opisina sa kasong ito. Hindi lamang na ang alegasyon ng tortyur ay hindi inimbestigahan, maging ang pulis na may kagagawan ay hindi naparusahan.

Ito’y maging hustisya para sa mga biktima ng tortyur na matagal ng napatunayan ng Komisyon ng Karapatang Pantao ayon sa imbestigasyong laban sa pulis at nagsabing nararapat silang usigin; halimbawa ang kaso ng “Abadilla Five”—ito’y limang kalalakihan na tinortyur upang aminin ang pagpatay sa isang opisyal ng pulisya at kinalaunan ay senentensiyahan ng bitay. Sa kaso ng “Abadilla Five,” ang kanilang reklamong tortyur ay nakaantala ng labing isang taon ngunit hindi pa rin ito naisampa sa korte. Kahit na sinasabi na ng Komisyon na tinortyur ang ang mga biktima at inirekomenda nila ang pagsasampa ng kaso laban sa kapulisan na umaresto at nagtotyur sa kanila, walang aksiyon na nangyari. Isa sa mga pulis na kasama ang reklamo, si Senior Superintendent Bartolome Baluyot, ay kinalaunan siya ring inakusahan sa isa namang kaso ng tortyur sa General Santos City—tatlong taon matapos ang una nitong kaso sa “Abadilla Five”—at siya ring nakapagretiro sa serbisyo bilang pulis. Anim sa mga kasamahan nito na kinasuhan ng tortyur ay namatay na bago paman nila harapin ang kanilang kaso.

Sa kasong ito, ang opisina ng Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices (Moleo), kung saan ang kasong ito ang nakasampa, ay nakatakdang pa lamang na resolbahin ang reklamo kung kakasuhan ba sa korte ang pulisya o hindi kahit na ang reklamo ay nakabinbin na ng labing isang taon, una sa Kawani ng Hustiya at ngayon sa naman sa Moleo. Hindi maikakailang ang kasong ito ay maaantalang muli nang matagal dahil ang ombudsman na nakatalaga pinalitan mulit dalawang buwan pa lamang ang nakaraan. Hindi lamang ipinagkait sa mga biktima ang pamamaraan dahil sa kawalang ng batas at ang kawalang ng asksiyon upang parusahan ang mga kagagawan, ipinagkait din sa kanila ito dahil sa patuloy na pagkaantala ng kanilang kaso.
 
Dahil dito, nagkakaroon ng kawalan ng pagpupursige sa bahagi ng mga biktima ng tortyur para ipagpatuloy ang kaso sa korte, hindi lamang dahil sa kawalan ng batas laban sa tortyur, dahil na rin sa matagal na pagkakaantala ng kaso—dahil sa haba ng panahon ng paghihintay na kanilang iginugol upang usigin ang may kagagawan, sa kinalaunan, ang resulta ang walang kabuluhan at pagpapagod lamang. Ang katotohanang ito ang siyang nagpapakita ng nalalapit sa pagiging imposible sa pagkakaroon ng hustisya sa biktima ng tortyur. Dagdag pa rito, napipilitang tanggapin ng mga biktima ang masakit na katotohanang ito, at ang gobyerno ay patuloy na bigo upang masigurong makakamit ng mga biktima ang hustisya; at ang gobyerno ay patuloy na nagpapabaya dito.

Ang kawalang ng batas laban sa tortyur at ang pamamaraan para sa mga biktima, sa makatuwid, nagpapakita ng pag sang-ayon ng gobyerno sa tortyur. Mayroon din kawalan ng pagkakabahala at pagpaparusa sa mga kawani ng sandatahang lakas na inaakusahan ng tortyur. Ang mga suspetsado dahil dito ay patuloy na gawin ito ng walang kaparusahan. Ito’y nagpapaabot ng isang mabigat na mensahe sa mga biktima ng tortyur na ang pamamaraan at paguusig sa may kagagawan ay napakahirap—o isang gawaing hindi maabot-abot. Kung nakakaranas ang mga biktima na ang kanilang reklamo ang hindi seryosong inaaksiyunan o kawalan nag pag-usad ng kaso sa korte, madalas sila’y maniniwala na lamang na walang silbi upang sila ay mag-reklamo. Kung walang reklamo ibig sabihin walang paguusig sa kaso nila, at sa kabilang banda marahil pagtanggap o pagbibigay sang-ayon nila ganung ilegal gawain. Isa itong trahedya dahil lamang sa kawalan ng pamamaraan at kawalan ng kakayahan ng gobyerno upang proteksiyunan at itaguyod ang karapatan ng mga tao.

Ang patuloy na pagkabigo ng gobyerno para ipasa o magkaroon ng batas laban sa tortyur ay nagkakaroon ng pagduda sa kakayahan nito upang maitaguyod ang mataaas na antas ng karapatang pantao bilang halal na kasapi ng Konseho ng Karapatang Pantao ng Nagkakaisang Bansa. Hindi katanggap tanggap na ang isang kasapi, na siya ring lumagda at nag ratipika sa Convention against Torture and Other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or Punishment (CAT), ay bigo na magkaroon ng batas upang bigyan kahulugan ang CAT. Nararapat lamang na tutulan ng pandaigdigang komunidad, kabilang ang mga Pilipino, ang patuloy na karahasan sa mga loob ng estasyon ng pulisya at militar at ang patuloy na kawalan ng hustisya para sa biktima ng tortyur. Ang gumagawa maliban dito ay isang pagsang-ayon sa patuloy na pag-tortyur sa mga Pilipino.


# # #

About AHRC: The Asian Human Rights Commission is a regional non-governmental organisation monitoring and lobbying human rights issues in Asia. The Hong Kong-based group was founded in 1984.

Posted on 2007-06-26



remarks:8
Asian Human Rights Commission
For any suggestions, please email to support@ahrchk.net.

1 users online
14747 visits
25041 hits